Mahigit 7,000 panibagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH ngayong araw; 3 Pilipino sa abroad, nadagdag sa bilang ng mga nagpositibo

Aabot sa 7,757 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ngayong araw.

Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH), sumampa na sa 663,794 ang kabuuang kaso sa bansa.

Aabot naman sa 15,288 bagong recoveries ang naitala ng DOH, dahilan para umabot na sa 577,754 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.


Habang umabot na 12,968 ang bilang ng nasawi matapos madagdagan ng 39 ngayong araw.

Sa ngayon, nasa 73, 072 na ang total active cases sa bansa.

Samantala, nakapagtala naman ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 3 Pilipino sa abroad na bagong nainfect ng virus.

Dahil dito, umabot na sa 15,970 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na tinamaan ng COVID-19 sa abroad.

Nananatili naman sa 9,691 ang naka-rekober; 5,232 ang nagpapagaling at 1,047 ang mga nasawi dahil sa COVID-19.

Facebook Comments