MAHIGIT 7,000 PPCRV VOLUNTEERS SA PANGASINAN, PUSPUSAN ANG PAGHAHANDA PARA SA HALALAN 2025

Puspusan ang paghahanda ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV Volunteers na magiging katuwang upang mabantayan ang magaganap na Halalan sa May 2025.

Sa Pangasinan, mahigit pitong libong PPCRV Volunteers ang magsisilbi sa panahon ng eleksyon.

Sa panayam kay PPCRV Regional Coordinator for Luzon
Trustee, PPCRV National Board Janice Hebron, hinahanda na ang mga ito para matiyak na may mga pollwatcher sa bawat presinto, maging ang pagkakaroon ng voter’s assistance sa bawat voting center.

Aniya, nagpapatuloy pa ang oryentasyon upang maging ‘fully-equipped’ ang mga ito pagdating sa araw ng eleksyon.

Samantala, nakatakdang isagawa ng organisasyon ang ilang aktibidad tulad ng isasagawang General Orientation Assembly for Volunteers. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments