Mahigit 7,000 pulis, ipapakalat sa mga rutang daraanan ng Traslacion ng poong Itim na Nazareno sa Enero 9

Manila, Philippines – Kasado na ang seguridad ng Manila Police District at ng NCRPO sa kabuuan ng traslacion ng Itim na Nazareno sa January 9.

7,200 na mga pulis ang idedeploy sa mga rutang daraanan ng Traslacion gayundin sa iba pang lugar sa Maynila.

Magsisilbing ground commander sa Traslacion si MPD Dir. Vicente Danao kung saan 2,200 pulis-maynila ang idedeploy at 5,000 iba pang pulis mula sa apat pang distrito sa kalakhang maynila ang magsisilbing augmentation force sa 6.1-kilometrong ruta ng Traslacion mula Quirino Grandstand hanggang sa simbahan ng Quiapo.


Magkakaroon ng 10-segments na pupwestuhan ng segment commanders.

Mahigpit ding ipapatupad ang no-fly zone, no-sail zone at no-signal zone sa ruta ng Poong Nazareno.

Lilimitahin din ang pagpapalipad ng mga drones sa traslacion at kailangan ng media entities na makipag-ugnayan sa mga otoridad.

Facebook Comments