Batay sa tala ng ARMM Autonomous Region in Muslim Mindanao-Humanitarian Emergency Action and Response Team (ARMM- HEART), abot sa 78, 466 pamilya mula sa Marawi city ang lumikas sa iba’t-ibang panig ng bansa dahil sa krisis sa kanilang lungsod, katumbas ito ng 359, 680 individuals.
Sa panayam ng RMN-Cotabato kay ARMM-HEART Focal Person Ms. Myrna Jocelyn Henry, sinabi n’ya na may mga pagsisikap ang ARMM government upang mabilang ang mga nagsilikas na residente mula sa Marawi city.
Ito ay upang maisama sila sa rehabilitation and recovery programs ng gobyerno.
Samantala, patuloy ang pamamahagi ng relief assistance ng ARMM-HEART sa IDPs na nasa mga evacuation center sa Marawi city at sa iba pang bayan sa lalawigan ng Lanao del Sur na may Disaster Assistance and Family Access Card (DAFAC).
Sinabi pa ni Ms. Henry na ang relief operations ay magtutuloy-tuloy na hanggang sa buwan ng Disyembre ng kasalukuyang taon.
Matatandaang naglaan ang ARMM government ng P77 million para tugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng Marawi crisis.
Patuloy din naman ang panawagan ng ARMM-HEART para sa mga donasyon. (DAISY MANGOD-REMOGAT)
Mahigit 70,000 pamilya mula sa Marawi city, lumikas sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas!
Facebook Comments