Cauayan City, Isabela-Pumalo na sa 791,648 ang mga naitalang enrollees sa pribado at pampublikong paaralan sa buong Cagayan Valley sa kabila ng kinakaharap na pandemya.
Ayon kay DepED Regional Director Estela Cariño,ito ay katumbas ng 85.17 percent na mas mataas kumpara sa nakaraang taong enrollment na ginawa ng ahensya.
Batay sa datos, nasa 44.64 percent lang ang mga enrollee’s ng private schools kumpara sa public schools na 90.57 percent.
Samantala, magkakaroon naman ng pagbabago sa grading system ng ahensya na dati ay kinakailangan pang pagbasehan ang grado sa makukuhang iskor sa periodical test.
Sinabi pa ni Director Cariño na wala ng gagawing periodical test at mga quizzes dahil sa portfolio ng bawat mag-aaral na ang basehan sa pagkuha ng grado ng mga guro.
Nilinaw din ng ahensya na hanggang buwan ng Setyembre tatanggap pa rin ng mga enrollees.