Mahigit 75 milyong pisong halaga ng cash advances ng DOJ, pinapa-liquidate ng COA

Inutusan ng Commission on Audit (COA) na i-liquidate ng Department of Justice (DOJ) ang aabot sa ₱75.14 million na halaga ng cash advances na ginawa ng mga opisyal at staff ng kagawaran.

Batay sa 2021 annual audit report, ipinunto ng COA na sa ₱190.22 million na halaga ng cash advances ay tanging ₱115.08 million lamang ang liquidated o di kaya ay nai-refund.

Sa naturang halaga ng balanse, nasa ₱23.69 million ang halaga ng unliquidated cash advances sa Office of the Secretary Confidential Fund habang nasa ₱44.77 million naman ang sa Witness Protection Security and Benefit Program Confidential Fund at ₱6.61 million naman para sa Inter-Agency Council Against Trafficking Confidential Fund.


Habang ang natitira ay para sa operating expenses at iba pa.

Dahil dito, muling iginiit ng COA na dapat fully liquidated ang lahat ng cash advances bago matapos ang taon.

Samantala, sinabi ng DOJ sa COA na ang ilang sa pondo ay gagamit ngayong 2022 katulad ng network switches para sa communication networks ng ahensya.

Nakaapekto rin daw ng COVID-19 pandemic ang pag-usad ng kanilang mga proyekto.

Facebook Comments