Umaabot na sa 77,249 ang bilang ng mga apektadong indibidwal dahil sa Bagyong Julian.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), katumbas ito ng 22,645 pamilya mula sa 252 barangays sa Regions 1, 2, at Cordillera Administrative Region (CAR).
Mula sa mga nabanggit na bilang ng apektado, 762 indibidwal o katumbas ng 254 pamilya ang nananatili ngayon sa mga evacuation centers.
Samantala, iniulat din ng NDRRMC na ilang lugar sa La Union partikular sa Bangar at Luna maging sa Laoag City, Pagudpud, Piddig, Solsona, San Nicolas, at Vintar sa Ilocos Norte ang nananatiling baha.
Marami rin kabahayanang bahagyang nasira sa Ilocos Region dahil sa bagyo.
Facebook Comments