Umabot na sa 77,244 pamilyang Filipino ang nabigyan na ng tulong pinansyal ng pamahalaan na naapektuhan ng lockdown dahil sa COVID-19.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista, ang nasabing bilang ay bukod pa sa mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Aniya, umabot na sa ₱424 million pinansyal na tulong ang naipamahagi sa mga 4Ps benificaries na nakatanggap ng ₱5,000 at ₱8,000 kada indigent family sa ilalim na rin ng bayanihan to heal as one law.
Bukod pa aniya ito sa 3.7 million 4Ps beneficiaries na nakatangap na rin ng cash aid noong isang linggo na may kabuuang halaga na ₱16.3-billion.
Sabi pa ni bautista, nai-transfer na rin nila ang ₱48 billion ayuda sa mga local government units at sa DSWD offices habang ₱800 million naman ang naipamahagi sa bangsamoro autonomous region in Muslim Mindanao.
Sabi pa ni Bautista, target nilang matapos na ang pamamahagi ng first tranche ng cash aid sa loob ng dalawang linggo.
Habang iva-validate ng ahensya ang mga benepisaryo ng sap bago ipamahagi ang susunod na tranche ng ayuda.
Mababatid na nasa ₱5,000 hanggang ₱8,000 ang matatanggap ng mga mahihirap na pamilya mula sa inallocate na ₱200 bilyon ng pamahalaan para sa dalawang buwang cash subsidies sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act.