Mahigit 77,000 pulis, ipapakalat ngayong summer vacation

Magde-deploy ang Philippine National Police (PNP) ng mahigit 77,000 mga pulis bilang bahagi ng Public Safety Plan para sa 60-araw na summer vacation o Oplan Sumvac.

Ayon kay PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., maglalatag ang PNP ng mga police assistance desk sa mga istratehikong lugar para mabilis na makaresponde sa pangangailangan ng mga mamayan.

Ani Azurin, 38,387 pulis ang ipapakalat bilang foot at mobile patrol para sa pinaigting na police visibility habang nasa 39,504 na mga pulis naman ang idedeploy sa mga places of convergence tulad ng mga transportation hubs, terminals, mga pasyalan at simbahan.


Inaasahan ng PNP na marami sa ating mga kababayan ang bibyahe patungong lalawigan o magbabakasyon simula Abril 2 hanggang 9.

Kasabay na rin ito ng pagluwag ng COVID-19 restrictions matapos ang halos tatlong taon.

Kasunod nito, nananawagan ang PNP sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad para maging maayos at ligtas ang kanilang bakasyon.

Facebook Comments