Umakyat sa 19,343 families o katumbas ng 79,062 indbidwal ang apektado sa nagdaang Bagyong Jolina.
Batay sa huling situation report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga naapektuhang pamilya ay mula sa 280 barangay sa MIMAROPA, Region 3, 5, 6 at 8.
Sa ngayon, nasa 90 evacuation centers ang 1,421 na pamilya habang lumikas naman sa iba pang lugar ang 348 na pamilya.
19 naman ang iniulat na nawawala, apat sa mga ito ay bene-verify pa.
Mahigit 3,000 bahay ang nagtamo naman ng pinsala sa Region 5, 6 at 8 kung saan 158 ang totally damaged.
Habang nasa 198 milyong pisong halaga naman ang pinsala ng Bagyong Jolina sa agrikultura sa nasabing mga rehiyon.
Facebook Comments