Tinatayang nasa mahigit 179 milyong pondo naman ang naibigay sa ahensya kung saan mayroon ng 71, 150 na katao ang nabenepisyuhan dito.
Ang AICS ay isang programa ng DSWD na tulong para sa mga taong mahihirap, marginalized sector, at vulnerable o disadvantaged individuals.
Mula sa naturang programa, nasa 7, 735 individuals ang natulungan sa larangan ng edukasyon; 26,521 katao sa food assistance; 3,281 ang natulungan sa namatayan; 107 clients sa transportasyon at 13, 372 katao naman ang nabigyan ng cash assistance.
Ayon sa isang benepisyaryo na si Ginoong Victorino Badajos, limamput siyam na taong gulang, single parent, malaking tulong aniya ang kanilang natanggap na ayuda dahil sa mahal na ng mga bilihin ay hindi na sapat ang kanyang kinikita sa pamamasada para pantustos sa pangangailangan ng kanyang pamilya.