
Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit 8 milyong pisong halaga ng ilegal na sigarilyo sa Labrador, Pangasinan.
Ayon sa ulat, nagsasagawa ng checkpoint operations sa Brgy. Poblacion nang pahintuin ang isang closed van para mainspeksyon.
Dito na nadiskubre ng mga operatiba ang 101 kahon ng ibat-ibang sigarilyo na kalaunan ay napagalamang smuggled at walang mga kaukulang mga dokumento.
Dahil dito ay naaresto ang 2 chinese nationals na lulan ng nasabing sasakyan at kaagad dinala sa kustodiya ng pulisya para humarap sa mga kaukulang kasong isasampa sa kanila.
Habang ang mga nasamsam na mga sigarilyo ay ituturn over sa Bureau of Customs (BOC) para sa case build-up at tamang disposisyon.
Facebook Comments










