Mahigit 80 klase, suspendido dahil sa Bagyong Maymay

Umabot sa 84 na mga klase ang nasuspinde dahil sa masamang panahon dulot ng Bagyong Maymay.

Batay ito sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga.

Partikular ang class suspension sa Region 2 na 77 at sa Cordillera Administrative Region 7.


Samantala, iniulat din ng NDRRMC na 3 tanggapan ng pamahalan ang nagsuspindi rin ng trabaho dahil pa rin sa bagyo.

Sa ngayon, 10 pamilya o 50 indibidwal ang isinailalim sa pre-emptive evacuation mula sa Region 2.

Facebook Comments