Naibalik na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang 83% ng mga power transmission services sa Visayas at Mindanao na pinatumba ng Bagyong Odette.
Ayon kay NGCP Spokesperson Patricia Roque, kahit araw ng Pasko ay tuloy-tuloy ang restoration activities ng kanilang 700 linemen partikular sa Bohol, Cebu, Leyte, Negros Occidental, Negros Oriental at Surigao provinces.
Noong December 25, na-restore ng NGCP ang Tolosa-San Isidro 69KV (Kilovolt) line na nagsu-supply ng kuryente sa Southern Leyte Electric Cooperative (SOLECO).
Ilan pa rin sa mga probleng kinakaharap ngayon ng NCGP sa pagsasaayos ng kanilang transmission services ay ang linya ng komunikasyon, logistics, transportasyon at lokasyon ng kanilang mga tower na ang ilan ay nakatayo sa mga bundok.
Samantala, sa December 29, target ng NGCP na maibalik ang transmission services nito sa Surigao del Norte at Surigao del Sur.
Habang malabo pang maibalik ang kuryente sa Bohol sa target nitong December 31.
Paliwanag ni Roque, habang ginagawa kasi ang linya ay maraming problema pa silang nadiksubre sa mga apektadong transmission structures kaya matatagalan pa ang pagkukumpuni nila rito.