Mahigit 80 pang Chinese nationals na stranded sa NAIA, nakabalik na ng China kanina

Tuluyan nang nakauwi ang natitirang 86 Chinese nationals na stranded sa NInoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1.

Bago mag alas-singko kaninang madaling araw, lumipad ang China Eastern Flight MU 212 patungong Pudong, China.

Ang mga naturang dayuhan ay pawang sakay ng Cebu Pacific na unang dumating sa bansa ilang oras matapos na ipatupad ng Pilipinas ang travel ban mula at patungong China.


Sila ay kabilang sa halos 300 Chinese nationals na stranded sa NAIA terminal 1.

Una nang nakabalik kahapon ng HongKong, Macau at Mainland China ang iba pang stranded na mga Tsino.

Facebook Comments