Mahigit 80 pasyente, nakarekober sa COVID-19 sa Cainta Rizal

Umakyat na sa 88 ang mga pasyenteng nakarekober sa COVID-19, kung saan 15 pa rin ang nasawi at 141 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa pitong barangay ng Cainta, Rizal.

Ayon kay Cainta Mayor Keith Nieto, nadagdagan ng isa ang active case ng COVID-19 simula kahapon kung saan 38 pasyente ang mino-monitor ng Cainta Rizal government at walo (8) dito ang admitted sa ospital habang ang 30 ay nagpapagaling sa bahay.

Paliwanag ng alkalde, dalawa ang bagong pasyente simula kahapon at isa doon ay isang bagong panganak na sanggol ng isang pasyenteng may COVID-19 habang mayroon namang isang nakarekober kaya’t lumalabas na 88 sa 141 ang gumaling sa virus.


Dagdag pa ni Mayor Nieto na may pangyayari na ang manggagawa na residente ng Cainta at nagtatrabaho sa Laguna ay nagpositibo sa virus matapos sumailalim sa rapid test bilang kondisyon sa pagbabalik-trabaho.

Ang naturang manggagawa ay nakabase sa Sta. Rosa, Laguna pero dahil residente sila sa Cainta, Rizal, ang account ay nakacredit sa lalawigan.

Facebook Comments