Mahigit 80 truck, nahuli simula ng ipatupad muli truck ban sa EDSA ayon sa MMDA

Umabot na ng 81 truck ang hinuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa paglabag sa truck ban simula nang ipatupad ito kahapon hanggang bago magtanghali ngayong araw.

Ayon kay Col. Bong Nebrija, MMDA EDSA Traffic Operations Chief, walang warning na ibibigay sa mga lumabag sa truck driver.

Dahil ito ay luma ng batas trapiko na ipinatutupad sa EDSA at sa iba pang major thoroughfare na hawak ng MMDA.


Dahil dito, magmumulta ang mga driver ng truck ng P2,000.

Magpapatuloy ang panghuhuli ng mga driver ng truck sa kahabaan ng EDSA mula Magallanes Interchange hanggang Roxas Boulevard at North EDSA hanggang Balintawak.

Matatandaan, kahapon ng Lunes, muling ipinatupad ang truck ban sa EDSA at sa iba pang major thoroughfares na hawak ng MMDA mula Lunes hanggang Sabado, simula alas-6:00 hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi.

Alinsunod na rin sa hiling ng mga mayor ng Metro Manila upang lumuwag ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila.

Facebook Comments