Mahigit 800 bilyong piso, planong utangin ng Pilipinas sa susunod na taon

Manila, Philippines – Kinumpirma sa plenary budget deliberation na mangungutang ang bansa ng 888 Billion pesos para sa susunod na taon.

Ayon kay House Committee on Appropriations Vice Chairman Joey Salceda, 66.9 Billion sa uutangin ang ibabayad din sa magma-mature ng utang ng bansa sa 2018.

Sa kasalukuyan, ang kabuuang utang ng Pilipinas ay 6.417 Trillion pesos na.


Pero nilinaw ni Salceda na walang dapat pangambahan sa utang na ito ng bansa dahil isa ang Pilipinas sa pinaka kaunti ang utang sa buong mundo.

Ang uutangin ay gagamitin para sa social services at pagpapalakas ng ekonomiya.

Ipinagmalaki pa ni Salceda na ang utang ng bansa ay bumaba na sa 44% ng Gross Domestic Product mula sa dating 114%.

Malayo umano ito kumpara sa lagay ng utang ng ibang bansa gaya ng Japan na 300% ng kanilang GDP samantalang ang utang ng US at Germany ay katumbas ng 100% ng kanilang GDP.

Facebook Comments