Mahigit 800 klase at pasok sa trabaho, suspendido parin dahil sa sama ng panahon

Nananatiling suspendido ang 448 na pasok sa eskwela sa ilang rehiyon sa bansa ngayong araw dahil parin sa nararanasang pag-ulan at baha dulot ng habagat.

Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), partikular ang class suspensions sa Regions 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, Regions 5, 6, 8, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region (NCR).

Samantala, iniulat din ng NDRRMC na nasa 355 na tanggapan ng pamahalan ang nagsuspinde din ng pasok sa trabaho.


Ang suspensyon ng pasok sa eskwelahan at trabaho ay bunsod ng naranasang malakas na ulan at pagbaha dulot nang nagdaang Bagyong Egay at habagat kung saan ang mga paaralan din ang pansamantalang tinutuluyan ng mga nagsilikas na bakwit.

Sa ngayon, nasa 781,728 na pamilya o katumbas ng mahigit 2.9M katao ang apektado mula sa 4,848 na brgy sa mga nabanggit na rehiyon.

Facebook Comments