Mahigit 800 pamilya, inilikas dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal

Aabot sa 869 na pamilya o katumbas ng 2,961 na indibidwal ang inilikas at kasalukuyang tumutuloy sa 12 Evacuation Centers sa mga bayan ng Agoncillo at Laurel sa Batangas dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Ito ay batay sa monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Sa ngayon, patuloy na nakikipag-ugnayan ang NDRRMC sa iba pang ahensya ng gobyerno para matugunan ang pangangailangan ng mga inilikas na pamilya at ang kanilang kaligtasan.


Kasalukuyang nakataas ang Alert Level 3 sa bulkan matapos na magbuga muli ito ng nasa 400 hanggang 800 metrong usok bunsod ng magmatic unrest

Patuloy naman ang paalala ng NDRRMC sa lahat na gawin ang ibayong pag-iingat at sumunod lagi sa abiso ng mga awtoridad.

Facebook Comments