Mahigit 800 pamilya na naapektuhan ng lindol sa Batanes, nasa evacuation center pa rin

Tumutuloy pa rin ngayon sa public market at municipal plaza ang walong daan at limang pamilya o halos tatlong libong mga indibidwal matapos masira ang kanilang bahay nang maranasan ang malakas na pagyanig nitong Sabado sa Itbayat, Batanes.

Ito ang pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Sa ulat ng NDRRMC, nagtulong-tulong na ang Department of Social Development and Welfare (DSWD) at iba pang ahensya ng gobyerno para agad bigyang ayuda ang mga naapektuhan ng lindol na kabuuan ay umabot sa mahigit siyam na raang pamilya.


Naitala pa ng NDRRMC na umabot sa 266 na bahay ang nasira ng lindol, 81 ay partially damaged habang 185 na bahay ay totally damaged.

Nasira rin ng lindol ang Mayan Elementary School at Itbayat National Agriculture High School.

Una nang iniulat ng NDRRMC na pagyanig sa Itbayat, 9 ang namatay habang 64 ang sugatan.

Facebook Comments