Nakatangap ng parangal ang 815 na mga pulis na nagpamalas ng kabayanihan noong naganap ang 2017 Marawi Siege.
Isinagawa ng awarding ceremony kaninang umaga sa Camp Crame na pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Officer in Charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr., matapos na iutos ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng parangal sa mga ito.
Unang binigyang ng parangal na Lapu-Lapu award o tinawag na rank Kamagi ang 50 mga pulis.
Ayon kay Danao, tuwing Lunes pagkatapos ng flag raising ceremony ay sasabitan ng medalya ang iba pa sa mahigit 800 pulis.
Bukod sa rank Kamagi bibigyan din ng rank magalong ang mga nagsilbing team leader na mga pulis sa naganap na 2017 Marawi Siege.
Habang rank Kampilan naman ang matatanggap ng mga nasugatang pulis at rank Kalasag sa mga pulis na namatay na dahil sa Marawi Siege.