Mahigit 800 pulis-QCPD, tutulong sa pagpapanatili ng seguridad sa Traslacion

Manila, Philippines – Magde-deploy ang Quezon City Police District (QCPD) ng mga pulis para magbigay seguridad sa mga namamanatang dadagsa sa Traslacion ng Poong Itim na Nazareno.

Ayon sa QCPD, nasa 850 na mga tauhan nito ang ipadadala bilang augmentation force sa puwersa ng Manila Police District (MPD) na mangunguna sa pagpapanatili ng kaayusan sa okasyon .

Bagaman nakasentro anya ang mga aktibidad sa Maynila, hindi naman magpapaka-kampante ang mga tauhan ng QCPD.


Dahil may mga naka-standby pa rin silang puwersa na magbabantay sa mga pangunahing instalasyon gayundin ng mga bangko, mga ahensya ng gobyerno at mga matataong lugar sa Quezon City.

Tuloy din anya ang regular na pag-iikot ng mga pulis sa mga komunidad at ang pagtiyak naman ng police visibility sa mga stratehikong lugar sa lungsod.

Facebook Comments