Mahigit 800 residente ng Isabela at Cagayan, inilikas dahil sa banta ng pagbaha

Nasa higit 800 na residente ng Isabela at Cagayan ang inilikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa banta ng pagbaha bunsod ng malakas na pag-ulan sa mga probinsya.

Sa isang panayam, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Region 2 Director Police Brig. Gen. Crizaldo Nieves na sumampa na sa 8.48 meters ang antas ng tubig sa Cagayan River malapit sa Buntun Bridge.

Nangangahulugan ito na nasa Alert Level na ang antas ng tubig sa ilog.


Nasa 62 pamilya o 236 indibidwal ang inilikas sa Cagayan.

Nasa 138 pamilya o 422 indibidwal naman ang inilikas sa Cabanatuan habang 65 pamilya o 158 katao sa Alicia, Isabela.

Ayon kay Nieves, nagpapatuloy ang relief operations sa dalawang probinsya na una nang napinsala ng malakawang pagbaha bunsod ng Typhoon Ulysses.

Kaninang umaga nang abisuhan ng PAGASA ang mga residenteng nakatira sa lower Cagayan River matapos na umabot sa Above Alarm Level ang tubig sa ilog.

Sa 7 a.m. flood bulletin para sa Cagayan River Basin, sinabi ng PAGASA na may banta ng posibleng pagbaha sa low-lying areas malapit sa ibabang bahagi ng ilog kabilang ang Penabalanca, Tuguegarao City, Enrile, Solana, Iguig, Amulung, Alcala, Baggao, Lasam, Gattaran, Lallo, Camalaniugan at Aparri.

Facebook Comments