Mahigit 800 tauhan ng HPG, ipinakalat ngayong Semana Santa para umagapay sa mga motorista

Handang-handa na ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) para sa dagsa ng mga bakasyunista ngayong Holy Week.

Ayon kay HPG Director PBGen. Eleazar Matta, mahigit 840 pulis ang ipinakalat sa buong bansa para tiyaking ligtas at maayos ang daloy ng trapiko sa mga lansangan.

Kabilang sa mga binantayang lugar ng HPG ay ang mga terminal, simbahan, mall, at mga pangunahing kalsada.

Sinabi pa ni Matta na 226 na mga pulis ang nakatutok sa mga terminal, 117 sa mga commercial areas, 61 sa mga simbahan, 105 sa iba pang matataong lugar, at 252 sa mga malalaking kalsada.

Misyon ng HPG na magbigay ng maximum police visibility at agarang tulong para sa ligtas at payapang paggunita ng Semana Santa.

Facebook Comments