
834 volunteers ng Philippine Red Cross (PRC) ang naka-deploy ngayon sa mga lugar na higit na naapektuhan ng Bagyong Uwan.
Kabilang sa ideneploy ng Red Cross ang mga doktor at 25 nurses na nagsasagawa ng medical consultations.
Partikular naka-deploy ang mga tauhan ng Red Cross sa Bicol, Southern Luzon, at sa Central at Northern Luzon.
Namahagi rin ang Red Cross ng doxycycline prophylaxis sa mga residenteng nalubog sa baha.
Nagbigay na rin ang PRC ng psychological first aid sa mga residente at mga batang nakaranas ng trauma dahil sa bagyo.
Patuloy rin ang pamamahagi ng PRC ng hot meals.
Facebook Comments










