Mahigit 8,000 bagong COVID-19 cases sa bansa, naitala ngayong araw

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 8,019 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw.

103 naman ang bagong gumaling at apat ang bagong binawian ng buhay.

Bunga nito, umaabot na sa 671,792 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan ang aktibong kaso ay 80,970.


577,850 naman ang total recoveries habang ang total deaths ay 12,972.

Samantala, 15 overseas Filipinos ang bagong tinamaan ng COVID-19 sa abroad.

9 naman ang bagong gumaling at walang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, 15,985 na ang mga Pinoy sa ibayong dagat na na-infect ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, 5,238 pa ang aktibong kaso habang 9,700 na ang kabuuang gumaling.

1,047 naman ang total deaths.

Facebook Comments