Mahigit 8,000 indibidwal, isinailalim sa preemptive evacuation sa Cagayan dahil sa Bagyong Ofel

Matapos salantahin ng Bagyong Nika, muling inilikas ang nasa 2,838 na pamilya o katumbas ng 8,526 mga indibidwal sa Cagayan dahil sa inaasahang epekto ng Bagyong Ofel.

Sa presscon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinabi ni Director Leon Rafael ng Office of Civil Defense (OCD) Region 2 na ang mga ito ay nakatira sa flood prone at landslide prone areas.

Sa ngayon nasa 6,070 pamilya o katumbas ng 19,856 na indibidwal ang apektado ng magkakasunod na sama ng panahon mula sa 362 barangay sa Region 2 o Cagayan, Isabela, Nueva Viscaya at Quirino.


Patuloy rin ang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong Ofel.

Sinabi pa ni Director Rafael na 63 tulay at 22 kalsada sa Cagayan ang hindi pa rin madaanan sa ngayon ng mga motorista.

Mayroon ding mga kabahayan sa Isabela at Nueva Viscaya ang wala paring kuryente hanggang sa ngayon.

Facebook Comments