Mahigit 8,000 kaso ng pang-aabuso sa mga kabataan, naitala sa buong taon ng 2022

Nakapagtala ang Women and Children Protection Unit ng mga ospital nang mahigit 8,000 kaso ng pang-aabuso sa mga kabataan sa buong bansa, para sa taong 2022.

Kaya naman sa Laging Handa briefing, sinabi ni Council for the Welfare of the Children Usec. Angelo Tapales, patuloy ang gobyerno sa pagpapalakas ang mga programa upang maproteksyonan ang mga kabataan.

Ayon sa pa sa opisyal na isang legislative agenda ng kanilang hanay ay ang pagsusulong na maisabatas ang pagbibigay ng health at psychosocial support sa mga kabataan.


Ito ay para maiwasan naman ang karahasan, nariyan aniya ang Philippine Plan of Action to End Violence Against Children, na ibinaba sa mga Local Government Unit, para masiguro ang proteksyon ng mga bata.

Una na nilang nailunsad ang Makabata Help Line kung saan maaaring mag-chat, e-mail, at tumawag ang mga kabataang nabiktima ng pang-aabuso, karahasan, bullying, at iba pang usapin na nakakaapekto sa mental health ng mga bata.

Epektibo aniya ang helpline na ito, lalo na sa mga biktima na nahihiya o natatakot na magsabi ng kanilang karanasan.

Pagtitiyak ng opisyal, mayroong maayos na sistema ang hotline nilang ito, at sa oras na malapatan na nila ng first aid ang biktima, agad nila itong ire-refer sa nararapat na ahensya ng gobyerno.

Facebook Comments