Manila, Philippines – Sa layuning maiangat ang kabuhayan ng mga kababayan nating miyembro ng indigenous people, nagbigay ng skills training ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga ito sa buong bansa.
Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling Mamondiong, umabot na sa 8,536 katutubo sa buong bansa ang nabigyan ng skills training.
Sa kabuuang bilang, ang Region 11 ang may pinakamaraming mga katutubo na nabigyan ng skills training sinundan naman ito ng Caraga Region, Cordillera Administrative Region, Region 12, Region 4A at 4B, Region 1, Region 6, Region 5, Region 2, Region 10 at Region 8.
Kabilang sa kursong pumatok sa mga IPs ay ang perform haircutting services, beauty care services nail care, bread making, driving, hilot wellness massage, masonry, carpentry, shielded metal arc welding, electrical installation and maintenance.