Mahigit 8,000 pamilya, apektado ng bagyong Ineng sa 3 rehiyon sa bansa – NDRRMC

Aabot sa walong libo at walong pamilya ang naapektuhan ng bagyong Ineng sa region 1,2 at 3.

Batay ito sa monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Sa bilang na ito, 193 pamilya ay nakitira sa kanilang mga kamag-anak habang 48 pamilya ay nanatili sa 16 na evacuation centers.


43 mga bahay naman ang nasira ng bagyong Ineng sa Ilocos Norte, 17 rito ay totally damaged habang 26 ay partially damaged.

Agad namang nagbigay ng ayuda ang DSWD at mga lokal na pamahalan sa mga pamilyang apektado ng bagyo.

Kung saan kabuuang 26, 732 pesos ang naitulong na sa mga pamilyang apektado sa Ilocos Norte pero may standby fund pa ang DSWD na aabot sa mahigit 1.1 billion pesos kabilang dito ang 355, 320 Family food packs.

Samantala, batay pa sa monitoring ng NDRRMC, isang indibidwal naman ang naitalang namatay sa Pasuquin, Ilocos Norte dahil sa bagyong Ineng.

Facebook Comments