Mahigit 800,000 doses ng Pfizer vaccine, dumating sa Pilipinas kagabi

Karagdagang 813,150 doses ng Pfizer vaccines ang dumating sa Pilipinas na binili ng bansa mula sa Amerika.

Alas-9 ng gabi kahapon, dumating ang mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na sinalubong nina Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. at U.S. Embassy Chargé d’Affaires John Law.

Karamihan ng mga bakuna ay ipapadala sa Metro Manila, Region 4A, 3, 1 at maging sa Visayas.


Sa ngayon, umabot na sa 39.5 million doses ng COVID-19 vaccine ang nai-deliver na sa Pilipinas.

Facebook Comments