Umaabot na sa higit 800,00 ang bilang ng mga indibidwal na apektado ng sama ng panahon sa bansa.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, lumobo sa 866,483 individuals ang apektado ng southwest monsoon ng nagdaang Bagyong Butchoy at ngayo’y Bagyong Carina sa mga rehiyon ng MIMAROPA, Regions 6, 7, 9, 10, 11, 12, CARAGA at BARMM.
Katumbas ito ng 179,744 families mula sa 642 barangays ng mga nabanggit na rehiyon.
Mula sa nabanggit na bilang ng mga apektado, 33,645 individuals o katumbas ng 7,738 families ang nananatili ngayon sa 56 na mga evacuation centers.
Samantala, nananatili sa walo ang bilang ng naiulat na nasawi dahil sa masamang panahon, pito rito ang kumpirmado habang 1 ang patuloy pang bina-validate.
Samantala, nasa ₱29 million na ang halaga ng tulong naipamahagi ng pamahalaan sa mga apektadong rehiyon.