Batay sa pinakahuling datos ng Isabela Provincial Information Office as January 12, 2022, mayroon ng 59.6% o 816,259 na bilang ng “fully vaccinated” sa probinsya.
Nasa 88.2% o 970,386 indibidwal naman ang nabigyan na ng first dose ng COVID-19 vaccine.
Mayroon na rin 60.71% na vaccination rate ang Lalawigan ng Isabela mula sa total 2022 population.
Mula naman sa 1,100,177 na target population sa probinsya, mayroon ng 994,917 katao na may edad 18 pataas ang nabakunahan kung saan 970,376 rito ang nakatanggap na ng first dose.
Tinatayang aabot naman sa 177,618 ang target na pedia population kung saan 156,972 na rito ay nabakunahan na ng first dose.
Patuloy naman ang panawagan ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa mga hindi pa nabakunahan na magpabakuna na upang magkaroon ng sapat na proteksyon sa sarili laban sa Coronavirus.