Mahigit 80M doses ng COVID-19, naiturok na sa bansa

Nalagpasan na ng bansa ang 80 million doses ng bakuna na itinurok sa mga mamamayan nito.

Ito ay inanunsyo ng gobyerno matapos makapagtala ang National Vaccination Operations Center (NVOC) ng 80, 613, 849 doses ng bakuna na naiturok nationwide kung saan noong Biyernes ay nakapagturok ang bansa ng 1, 010, 869 doses ng bakuna.

Sa naturang bilang, 35, 391, 519 o katumbas ng halos 46% ang fully vaccinated na habang mahigit 45 milyong indibidwal na ang nakatanggap na ng first dose kontra COVID-19.


Samantala, inanunsyo ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na aabot na sa mahigit 141 million doses ng COVID-19 vaccine ang naipadala na sa bansa.

Dahil dito, inihayag ni Galvez na handing-handa na ang bansa para sa ikakasang National Vaccination Days simula November 29 hanggang December 1.

Facebook Comments