
Pumalo na sa 82,548 ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na apektado ng pinagsamang epekto ng habagat at Bagyong Bising sa Ilocos region, Central Luzon at Cordillera Administrative Region.
Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) katumbas ito ng 27,401 pamilya kung saan higit 1,000 pamilya ang kasalukuyang nanunuluyan sa ilang evacuation centers.
Sa Gitnang Luzon, 38 lugar ang nakaranas ng pagbaha dulot ng walang tigil na pag-ulan, habang isang kalsada sa CAR ang nananatiling hindi madaanan ng mga motorista.
14 na kabahayan din sa CAR ang nasira bunga ng matinding pag-ulan at landslide na dulot ng sama ng panahon.
Samantala, patuloy naman ang isinasagawang monitoring at relief operations ng pamahalaan sa mga apektadong residente.









