Mahigit 84 libong OFWs, nakauwi na sa kani-kanilang lalawigan, ayon sa DOLE

Umabot na sa kabuuang 84,367 na Overseas Filipino Workers (OFW) ang nakauwi na sa kani-kanilang lalawigan kahapon, July 11, 2020.

Ayon sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE), lahat ng OFWs na pinayagang makauwi ay nagnegatibo nang isailalim sila sa Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test results pagdating sa bansa.

Base sa datos, mula May 15, 2020 hanggang May 24, 2020 unang pinayagang makauwi sa kani-kanilang lalawigan o siyudad ang may 8,922 OFWs at karagdagan pang 75,445 na tuluy-tuloy nang pinauwi mula May 25, 2020 hanggang July 11, 2020.


Pinabilis ng DOLE ang proseso ng pagpapauwi sa mga migrant worker alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments