Higit 85 senior citizens ang isinailalim sa libreng eye screening at check-up noong Miyerkules, Enero 21, sa Manaoag, Pangasinan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, 36 na pasyenteng may katarata ang dinala sa isang pribadong eye center para sa libreng pagsusuri bukod pa sa hiwalay na eye screening at check-up sa isa Pangasinan Eye Center.
Bukod sa pagsusuri, tinanggap din ng mga benepisyaryo ang libreng reading glasses, cataract screening, retina check-up at isang buwang suplay ng gamot para sa mga naoperahang pasyente.
Alinsunod ang naturang programa sa pagpapatupad ng Free Cataract Surgery at Eye Care Program na patuloy na itinataguyod para sa mga nakatatanda sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










