Aabot pa sa 88,000 pamilya o katumbas ng 354,000 indibidwal ang nananatili sa 1,488 evacuation centers sa bansa.
Nagmula ang mga ito sa lalawigan ng Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, at Caraga.
Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 1.4 milyong pamilya o katumbas ng 5.3 milyong indibidwal ang naapektuhan ng bagyo sa bansa.
Nagmula ang mga ito sa 7,017 barangay sa Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, at Caraga.
Nasa 539,077 kabahayan naman ang nasira sa Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga.
Sa bilang na ito, 175,275 ang totally damaged habang 364,982 ang partially damaged.