Umabot na sa 96 na charging station ang itinayo ng Department of Energy (DOE) para sa mga tumatangkilik ng electric vehicle.
Kasunod na rin ito ng pagsusulong ng ahensya sa paggamit ng plug-in hybrid electric vehicles (PHEV) sa bansa.
Sa katunayan, lumagda na ang DOE at ang isang malaking kompanya ng sasakyan sa Pilipinas na Mitsubishi Philippines.
Kasunod ng paglagda ng Memorandum of Agreement, ipagagamit sa pamahalaan ang isang unit ng PHEV.
Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, nais nilang mai-promote ang paggamit sa naturang sasakyan.
Samantala, nasa 194 na ang nairehistro na battery e-vehicles, 19 na PHEV, 30 hybrid e-vehicles at 32 light e-vehicles.
Facebook Comments