Mahigit 90% na paaralan sa NCR, nagpatupad ng limang araw na face-to-face classes ayon sa DepEd

Kinumpirma ni Department of Education (DepEd) Spokesperson Atty. Michael Poa na umabot na sa 827 na mga pampublikong paaralan o 94% na paaralan sa National Capital Region (NCR) ang nagpatupad na ng limang araw na face-to-face classes.

Ayon kay Atty. Poa, sa ngayon umano ay maayos naman ang pagbabalik ng klase sa mga paaralan sa Metro Manila matapos ang mahabang bakasyon ng mga mag-aaral.

Paliwanag pa ni Atty. Poa na sa ngayon umano ay inaantay pa nila ang feedback mula sa kanilang regional directors, para agad nilang matugunan sakaling mayroong hamon o problema silang kinakaharap.


Nilinaw rin ni Atty. Poa na hindi naman umano bago ang face-to-face classes dahil simula pa noong August 22 ngayong taon ay karamihan sa mga pampublikong paaralan ay nagpatupad na ng face-to-face at kahit pa umano ang blended learning ay face-to-face classes din.

Giit pa ni Atty. Poa na kapag hawak na nila ang data ay agad nilang ipararating sa publiko kung saan nanggagaling pa ito sa kanilang Regions at marami pa umanong mga paaralan ang suspendido ang classes ngayong araw base sa deklarasyon ng kanilang Local Government Units (LGUs).

Facebook Comments