
Nagkasa ng joint law enforcement operation ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) National Headquarters, Regional Anti-Cybercrime Unit 3, Police Regional Office 3 katuwang ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Games and Amusements Board at ang Securities and Exchange Commission (SEC) nitong Linggo sa isang event center sa San Vicente, Tarlac kung saan nasakote ang ilang indibidwal na sangkot sa online at offline raffle draws na walang permits at legal documentation.
Nagresulta ito sa pagkaka aresto ng 94 na katao kabilang ang 3 financier at operator, 18 admin staff, 43 head distributor, 19 distributor, at 11 ahente na nagpapatakbo ng nasabing illegal gambling operation.
Hawak na ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Illegal Gambling kaugnay ng Cybercrime Prevention Act of 2012.
Samantala sinabi naman ni PNP-ACG Acting Director PBGen. Bernard Yang na patunay ito ng paninindigan ng pulisya na protektahan ang publiko laban sa panlilinlang online at sa ilegal na sugal.









