MAHIGIT 90% NG MGA BATA SA LUNGSOD NG DAGUPAN, NABAKUNAHAN NA KONTRA MR-OPV CAMPAIGN NG DOH

Dahil sa patuloy na pagbabakuna ng mga kawani ng pangkalusugan sa iba’t ibang lugar sa buong bansa partikular na sa Dagupan City ay kanila nang naitala ang nasa higit nobenta porsyentong (90%) bilang ng mga bata dito ang nabigyan ng proteksyon sa mga sakit na Measles, Polio at Rubella.
Base sa pinakahuling monitoring ng City Health Office ng Dagupan ay pumalo na sa 90.7% ang naturukan sa vaccination coverage ng lungsod sa kabila ng programa ng DOH na sa “Chikiting Ligtas “MR-OPV Supplemental Immunization Activity.
Sa lungsod, tinatayang nasa mahigit 14, 000 na mga batang 0-59 buwan pababa ang inaasahang mabibigyan ng bakuna.

Samantala, limang Araw na lamang ang natitira kung saan hanggang ika -31 na lamang ng Mayo, ngunit tuloy pa rin sa pagbabakuna Ang mga health workers upang isagawa ang naturang programa at layunin ng Kagawaran ng Kalusugan sa buong bansa.
Sa natitirang araw ng pagbabakuna ay kanilang mahigpit na inaanyayahan at hinihimok ang publiko lalong-lalo na sa mga magulang na makiisa sa layuning ito upang mailayo Ang mga bata sa mga sakit na nabanggit.
Ipinaalala naman ng CHO na magpapatuloy parin ang malawakang pagbabakuna hanggang Mayo 31, 2023 kaya patuloy rin ang kanilang paghimok sa mga magulang na dalhin ang mga anak sa pinaka-malapit na Health Center para ito ay mapabakunahan.
Sa lungsod, bukod sa bakuna ay isinasabay din ng City Government ang pamamahagi ng mga gatas at bitamina para sa makatulong sa kanilang kalusugan. |ifmnews
Facebook Comments