Tiniyak ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na 92% ng mga teaching at non-teaching personnel na sasabak ngayong araw ng face-to-face classes ang kumpleto na sa primary vaccine series laban sa COVID-19 virus.
Ayon sa DepEd, ipatutupad pa rin ng kagawaran ang “No Discrimination Policy” sa mga eskwelahan at papahintulutan ang mga guro at estudyante sa face-to-face classes kahit ano pa umano ang vaccination status ng mga ito.
Base sa datos ng DepEd ay pumalo na sa 90% ng mga teaching at non-teaching personnel ang fully vaccinated kaya’t walang dapat na ikabahala ang mga magulang at mag-aaral.
Maliban dito, kukuha rin ng data ang DepEd kung ilan sa mga ito ang may booster doses.
Matatandaan na una nang inanunsyo ng DepEd na pwedeng makapagturo sa face-to-face classes ang mga guro na hindi bakunado dahil na rin sa kanilang ipinatutupad na “No Discrimination Policy”.