Inanunsyo ng San Mateo Local Government Unit na hanggang kagabi, maraming pamilya pa rin na apektado ng Bagyong Egay ang nanatili sa mga evacuation center sa bayan ng San Mateo.
Ayon sa San Mateo LGU, karamihan sa kanila ay naninirahan sa low-lying areas kaya’t hindi pa makabalik sa kanilang mga tahanan.
Hanggang alas-8:00 kagabi, higit pa sa 900 na evacuees ang nananatili sa Maly Elementary School, Guinayang National High School, San Mateo Elementary School, at sa Sta. Ana Covered Court.
Binisita na sila ni Rizal Governor Nina Ynares at iba pang local officials at namahagi ng relief goods.
Katuwang din dito ang mga kawani ng DSWD Field Office IV-A, at nagpaabot ng food packs.
Facebook Comments