Mahigit 900 indibidwal, lumabag sa gun ban

Umabot na ng 926 ang mga indibidwal na naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa gunban sa bansa kaugnay ng nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, mula sa nabanggit na bilang, pinakamarami ang naarestong sibilyan na umabot sa 890, 22 security guards, apat na PNP members, apat na AFP, tatlo ang iba pang law enforcement agency, at dalawa ang elected government office.

Nilinaw ni Col. Fajardo na ang mga ito ay hindi lamang naaresto sa ipinapatupad ngayong Comelec checkpoint kundi sa iba pang police operations.


Samantala, nasa 572 firearms namam ang nakumpiska ng kapulisan.

Nasa 1,120 naman ang nai-deposit sa police stations para sa safekeeping at 880 na mga baril naman ang isinuko sa pulisya.

Samantala, mayroon nang naitalang 44 recorded election related incidents ang PNP.

Mula sa nabanggit na bilang, anim ang suspected ERIs, anim ang validated ERIs at 32 ang validated non ERIs.

Facebook Comments