Mahigit 900 mga indibidwal, naialis na sa kalye ng DSWD

Nagpaalala muli ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na bawal mamigay ng pera sa mga namamalimos at mga naninirahan sa mga kalsada o bangketa.

 

Sa programang Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DSWD Usec. Edu Punay na mayroon silang itinatag na mega processing center sa Quezon City kung saan maaaring ibigay ang mga tulong at ang DSWD na ang magkakaloob nito sa mga nangangailangan.

 

Sinabi pa ng opisyal na bahagi ito ng kanilang programang “Oplan Pag-abot sa Pasko” kung saan sila namimigay ng intervention para maialis sa kalye ang mga mahihirap at nangangailangan.


 

Sa kasalukuyan, sinabi ni Punay na mahigit 900 mga indibidwal na ang naialis na nila sa mga kalsada o kalye.

 

Marami na aniya ang naibalik na nila sa mga lalawigan sa pamamagitan ng Balik-Probinsiya Program, assistance to individuals in crisis situation at nabigyan ng sustainable livelihood program.

Facebook Comments