Naniniwala ang pamunuan ng Rizal Province Government na ngayong araw ay masisimulan na rin ng ilang mga residente ng Rizal Province ang pagbangon mula sa kanilang mga naluging negosyo.
Ito’y matapos na bibigyan ng tulong pinansyal ng mahigit P14 milyon mula sa tanggapan ni First District Congressman Robbie Puno kung saan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) National Government ang naatasan na mag-screening, mamili at mag-approve sa 950 qualified beneficiaries na nakatanggap ng ayuda na Livelihood Assistance Grant (LAG).
Isinagawa ang payout sa Ynares Event Center kung saan ang bawat isa ay nakatanggap ng P15,000 mas malaki pa kesa sa Special Amelioration Program (SAP) na higit na makatutulong sa kanilang pagbubukas muli ng naluging negosyo ngayong nasa gitna tayo ng nararanasang pandemya.
Umaasa ang Rizal Government na malaking kapakinabangan ang naturang tulong pinansyal.