Mahigit 900 na lisensya, binawi ng LTO dahil sa iba’t ibang paglabag noong 2024

Binawi ng Land Transportation Office (LTO) ang nasa 984 na lisensya ng mga motorista dahil sa iba’t ibang paglabag sa batas-trapiko noong 2024.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, ang mga binawing lisensya ay dumaan sa tamang proseso at due process.

Nasa 735 na driver’s license ang binawi ng LTO sa mga motoristang lumabag sa RA 10586 o ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act.


Samantala, 130 naman sa mga binawian ng lisensya ang lumabag sa RA 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code.

Ang nasa 94 naman na kaso ay dahil sa paglabag sa RA 10930 o ang pag-extend ng validity ng driver’s license kung saan ang ibang motorista ay nahulihan ng double license, pamemeke ng dokumento, at pandaraya sa examination.

Habang 24 naman na motorista na nag-viral sa social media at iba pang reklamo ay binawian din ng lisensya ng ahensya.

Hinihiling naman ni LTO Chief Atty. Mendoza na maging kakaunti o zero ang administrative case ng mga motorista sa taong ito dahil gusto ng kanilang ahensya na maging responsable at disiplinado ang mga ito sa kalsada.

Facebook Comments