
Nagsagawa na ng pre-emptive evacuation ang mga residente sa Naval, Biliran dahil sa banta dulot ng Bagyong Wilma.
Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa kabuuang 976 indibidwal, o katumbas ng 261 pamilya, ang inilikas sa Biliran.
Samantala, nasa 25 pantalan naman ang naiulat na non-operational o kanselado ang mga byahe mula sa Negros Island Region at Region 8.
Aabot naman sa 425 na pasahero, 112 rolling cargoes, at 5 vessels ang naiulat na stranded mula sa Region 8.
Nasa 194 naman ang naitalang nagkansela ng klase mula sa nasabing dalawang rehiyon.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng NDRRMC sa mga regional at local units at sa iba’t ibang ahensya para sa monitoring at upang matiyak na nabibigyan ng tulong ang mga naapektuhang residente.









